Barko ng China, naka-angkla pa rin sa Iroquois Reef

Barko ng China, naka-angkla pa rin sa Iroquois Reef

NAKA-angkla pa rin sa Iroquois Reef ang mga barko ng China.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hindi pa rin tukoy ang pakay.

Nauna nang namataan ng militar ang 48 Chinese Fishing Vessels sa Iroquois Reef at China Coast Guard (CCG) ships at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels sa Sabina Shoal noong Hunyo 30.

Ayon kay AFP Western Command (WESCOM) spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, hindi pa rin umaalis ang mga barko ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Naka-angkla aniya ang mga barko pero walang fishing activities na ginagawa sa lugar.

Tiniyak naman ni Coloma na patuloy silang magpapatrolya bilang bahagi ng pagkilala ng arbitral tribunal na karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter