Bilang ng election hotspots at private armed groups, bumaba — PNP

Bilang ng election hotspots at private armed groups, bumaba — PNP

BUNGA ng pinaigting na operasyon ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP), bumaba ngayon ang bilang ng potential election hotspots at private armed groups.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ilang buwan bago ang halalan sa susunod na taon.

Bunga aniya ito ng tuluy tuloy na operasyon ng mga operatiba ng PNP kontra loose firearms kung saan nauna nang napasakamay ng PNP ang pagkakaaresto ng ilang mga tauhan ng sindikato ng bentahan at kalakalan ng loose firearms.

Naniniwala ang PNP na posibleng gagamitin ang mga ito ngayong panahon ng halalan.

Bukod sa mga potensyal na private armed groups sa bansa, mababa din ang bilang ng election hotspots na maaaring bantayan ngayon ng PNP.

Bagama’t patuloy pa aniya ang monitoring ng kanilang hanay para matiyak na magiging maayos ang pagdaraos ng halalan sa Mayo.

Sa kabila na pagbaba ang quarantine classifications tututukan pa rin ng PNP ang pagpapatupad ng minimum health protocols lalo na sa panahon ng opisyal na kampanya ng mga politico.

Aminado ang PNP na hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa.

BASAHIN: Double barrel finale 2022 laban sa iligal na droga sa bansa, itutuloy ng bagong liderato ng PNP

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.