Kauna-unahang 8-car trainset para sa PNR Clark, nasa Pilipinas na

Kauna-unahang 8-car trainset para sa PNR Clark, nasa Pilipinas na

NASA Pilipinas na ang kauna-unahang 8-car trainset para sa PNR Clark.

Ayon kay Secretary Arthur Tugade, ang tren na ito ay kabilang sa 13 trainsets na binili ng Department of Transportation (DOTR) mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation para sa Manila-Clark railway.

Nakapasa na ito sa factory acceptance test sa J-Trec factory sa Japan noong Oktubre 2021, bago i-deliver sa bansa.

Ang pangalawang 8-car trainset para sa project ay inaasahan namang darating sa bansa sa 2nd quarter ng 2022.

Oras na maging operational ang PNR clark phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe mula Tutuban hanggang Malolos, kumpara sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto.

SMNI NEWS