Posibleng naimpluwensiyahan ng Islamic State ideology ang mga suspek sa pamamaril sa isang Jewish festival sa Bondi Beach, Sydney, Australia.
Ayon ito kay Australian Prime Minister Anthony Albanese.
Sa ulat, ang mag-amang sina Sajid Akram at Naveed Akram ang responsable sa pamamaril na ikinasawi ng 15 katao noong gabi ng Disyembre 15, 2025.
Nagpaputok umano ang mga suspek sa dalampasigan nang halos 10 minuto bago napatay ng pulis ang 50-anyos na si Sajid Akram.
Inaresto naman si Naveed Akram at kasalukuyang nasa coma sa ospital dahil sa malubhang sugat habang binabantayan ng pulisya.
