NANGUNGUNA si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa ginawang presidential survey na ginawa ng kapwa nitong presidential aspirants na si Isko Moreno at Leni Robredo.
Nakita ng kampo ni Mayor Isko at VP Leni na si BBM, ang nais na maging pangulo ng kanilang respondents.
Sa WN Numero’s Presidential survey ni Moreno, nakakuha si BBM ng 49% noong October 2021 at tumaas ng 59% sa isinagawang survey noong ika-2 hanggang 6 ng Enero.
Sapanig ni Isko, hindi pa iniendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos sa sitwasyong ito ay nangunguna na sya kahit sa sarili nilang survey.
Dahil dito, ayon sa survey, ang natatangi lang paraan para hindi mailuklok sa pwesto si Marcos ay ang pagdidiskwalipika ng kanyang kandidatura.
Kung madiskwalipika si BBM, mananalo umano si Moreno batay sa 28% na nakuha nito mula sa survey kung ikukumpara sa 9% ni Leni Robredo.
Pinaniniwalaan ng mga ito na sya ang may kakayahang makapagpatuloy sa nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte at magpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Naniniwala din ang mga ito na may layunin si BBM gaya sa ama nitong si Ferdinand Marcos Sr. na iangat ang Pilipinas.
