PINASILIP ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagos ang nagpapatuloy na konstruksiyon ng 10-story building ng bagong Ospital ng Maynila.
Ang P2.3-B hospital ay matatagpuan sa Quirino Ave. Maynila na may 384 beds, 12 Intensive Care Units (ICU), at 20 private rooms.
Mayroon din itong 3-story parking area at isang helipad para sa mga emergency cases.