NASUNGKIT ng Bonuan Boquig National High School (BBNHS) ang top prize mula sa isang global organization na T4 bilang World’s Best School (Environmental Action).
Ayon sa Dagupan City Information Office, ang programang “Ilog Ko, Aroen Ko” Adopt a River Project ang naging entry ng BBNHS sa kompetisyon.
Aabot sa 1,000 entries sa buong mundo ang nakatunggali ng BBNHS sa top spot ang International School of Zug & Luzern sa Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia.
Naganap ang announcement ceremonies ng World’s Best School Prizes nitong Miyerkules na sinaksihan live sa Astrodome nina Mayor Belen Fernandez, at iba pang opisyal ng gobyerno at inabangan din online ng mga Dagupeños worldwide.
Sa mensahe ni Mayor Belen, kanyang ipinaabot ang pagsaludo sa BBNHS at sa lahat ng mga bumubuo ng “Ilog Ko, Aroen Ko” project at sa T4 Education.
