Pamahalaan, hinimok na paigtingin ang ‘national preparedness’ vs sakuna

Pamahalaan, hinimok na paigtingin ang ‘national preparedness’ vs sakuna

HINIMOK ni Tutok to Win Party-list Rep. Sam Verzosa ang pamahalaan na paigtingin pang lalo ang national preparedness laban sa mga paparating na sakuna sa bansa.

Ang panawagan ay kasunod ng panawagan ni UN Secretary-General Antonio Guterres na magtulungan ang lahat ng mga bansa para labanan ang epekto ng climate change.

Ginawa ni Guterres ang panawagan sa harap ng 100 heads of state sa UN COP-27 Summit sa Egypt.

Ayon naman kay Verzosa, ramdam na sa Pilipinas ang epekto ng climate change dahil palakas nang palakas na ang mga bagyong tumatama gaya ng nagdaang Bagyong Paeng.

Panawagan naman nito sa administrasyon na paigtingin pa ang tulungan ng lahat ng ahensya ng gobyerno, local government units at private sector para makabuo ng strategic solutions nang maagapan ang epekto ng climate change sa hinaharap.

“We in Tutok to Win Party-list are doing our best with our limited resources to bring relief goods to our countrymen in places where they’re most needed,” ani Verzosa.

Follow SMNI NEWS in Twitter