Cardiac rehab, dapat isali sa package ng Philhealth ayon sa PHA doctor

Cardiac rehab, dapat isali sa package ng Philhealth ayon sa PHA doctor

DAPAT isali sa package ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang cardiac rehab ito’y ayon sa Philippine Heart Association (PHA).

Umaapela ang chairman ng Philippine Heart Association na si Dr. Benjamin Quito sa Philippine Health Insurance Corp. na isali ang cardiac rehabilitation sa Z-package.

Dagdag pa ni Dr. Quito, ang cardiac rehabilitation ay makatutulong upang ang heart patients ay magkaroon ng mas mahaba at kalidad na buhay.

Bukod pa rito, kailangan din ang cardiac rehab para sa pagbabalik ng physical at mental health ng isang pasyente.

Ayon kay Dr. Quito, ang subsidy ng Philhealth ay limitado lamang sa mga araw ng confinement ng isang pasyente ngunit ang ibang natitirang sesyon ay babayaran na nila.

“However, the Philhealth subsidy is limited to the patient’s days of confinement. The rest of the remaining sessions of the three-month program is on the patient’s account,”ayon kay Dr. Quito.

Aniya, ang compliance rate ay nasa 10%-15% lamang sa mga heart attack at heart failure patients

“Compliance rate is only from 10 to 15% among heart attack and heart failure patients in the philippines. Cost, accessibility, and poor awareness level have been identified as major deterrent,”saad nito.

Ayon sa mga eksperto, ang heart diseases ang nananatiling nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga Pinoy noong taong 2021.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.