Carlos Yulo, nakapag-uwi ng silver at bronze medal sa Gymnastics World Championships

Carlos Yulo, nakapag-uwi ng silver at bronze medal sa Gymnastics World Championships

NAKAPAG-uwi si Carlos Yulo ng silver at bronze medal sa men’s vault at parallel bars sa katapusan ng 51st Fig Artistic Gymnastics World Championships sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.

Maliit lamang ang lamang ng kalaban ni Yulo na siyang nakapag-uwi ng gintong medalya na si Armenian qualifier na si Arthur Davytan na mayroong 15.050 points kumpara sa 14.950 points ni Yulo.

Matapos ang isang maiksing break, umiskor naman si Yulo ng 15.366 points para makakuha ng bronze medal sa high scoring parallel bars na pinalunan ni reigning Tokyo Olympic Champion Zou Jingyuan ng China na may 16.166 points at sinundan ni Lukas Dauser ng Germany na may 15.500 points.

Sinabi naman ni Yulo na bagaman hindi niya nakuha ang gintong medalya sa pagkakataong ito ay masaya siya sa kinalabasan ng kanyang performance.

Follow SMNI NEWS in Twitter