Carnival sa Rio De Janeiro, muling bubuksan

Carnival sa Rio De Janeiro, muling bubuksan

MULING bubuksan sa publiko ang carnival sa Rio De Janeiro, isa sa pinakamalaking pagdiriwang sa Brazil.

Inanunsyo ng alkalde ng Rio De Janeiro na si Eduardo Paez na muling bubuksan ang carnival sa siyudad.

Sa kabila ng pandemya ay sinabi ng Mayor na bubuksan ang carnival sa publiko na walang social distancing at pagbabawal sa mga tao.

Dagdag pa nito na bukod sa carnival ay ganoon din ang magaganap sa new year`s eve kung saan walang restriksyon at social distancing.

Pahayag ni Municipal Health Secretary Daniel Soranz na nakadepende pa rin sa COVID-19 contagion rates ang pagbubukas ng carnival sa siyudad maging sa League of Samba Schools (LIESA) kung saan sinabi ng organisasyon na ikakansela ang kanilang paglahok kapag walang gaanong dadalo sa festival.

Samantala, ayon sa datos ng Rio De Janeiro City hall ay nasa 85.4% ng buong siyudad ang nakatanggap na ng unang doses ng bakuna kontra COVID-19.

Habang nasa 59% ang fully immunized na sa virus, ngunit kung ang mga 12 taong gulang lamang ang bibilangin ay nasa 99.2% na ang nakatanggap ng unang doses, at 65.9% naman ang fully immunized.

SMNI NEWS