Dalawang magkakasunod na sunog, naitala sa Rio De Janeiro

Dalawang magkakasunod na sunog, naitala sa Rio De Janeiro

NAITALA ang dalawang magkakasunod na sunog sa kagubatan sa estado ng Rio De Janeiro.

Inihayag ng mga awtoridad ng Rio De Janeiro na naitala kamakailan lamang ang sunog sa kagubatan ng Petropolis na sinundan naman ng sunog malapit sa oil refinery ng Duque De Caxias.

Noong nagdaang weekend unang naitala ng mga bombero ang forest fire sa bulubunduking lugar ng Petropolis na pinagtulungan namang apulahin ng tatlong fire department team.

Ayon sa mga residente, nagsimula umano noong Huwebes ng gabi at sinimulang apulahin ng mga awtoridad ang sunog noong Biyernes ng umaga.

Pinaghihinalaan naman na nagsimula ito sa isang pagsusunog ng basura ng mga residente sa lugar at kumalat na sa kagubatan.

Samantala, hindi pa alam ng mga awtoridad ang pinagmulan sa mga pangyayaring ito, na malapit sa oil refinery ng Duque De Caxias ngunit wala umanong nasugatan o nadamay.

SMNI NEWS