CIDG, iginagalang ang pagbasura ng DOJ sa isang reklamo vs Cong. Arnie Teves

CIDG, iginagalang ang pagbasura ng DOJ sa isang reklamo vs Cong. Arnie Teves

IGINAGALANG ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang ginawang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa kasong isinampa kay 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ayon kay PNP-CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., nagpapatunay lamang ito na hindi inuusig at ginigipit ang mambabatas.

Kasabay nito, nilinaw ni Caramat na ang ibinasurang kaso ay isa lamang sa mga reklamong kinakaharap ni Teves.

Hinihintay ng pulisya ang resolusyon sa kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Teves at dalawang anak na sina Kurt Matthew at Axel.

Ito ay matapos madiskubre ang matataas na kalibre ng baril, hand grenade, grenade launcher at assorted ammunition sa kanilang bahay sa Bayawan City, Negros Oriental.

Nauna nang sinampahan ng 3 counts ng murder si Teves at iba pa, kaugnay sa pagpatay umano kina Board Member Miguel Dungog, Lester Bato at Pacito Libron.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter