Hepe ng CIDG NCR, inalis sa puwesto

Hepe ng CIDG NCR, inalis sa puwesto

INALIS sa puwesto si PNP CIDG NCR Chief Police Colonel Hansel Marantan dahil sa command responsibility.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.

Ginawa aniya ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang nasabing hakbang upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa kuwestyunableng raid sa Maynila kamakailan.

Sinasabing kinikilan umano ng mga tauhan ng CIDG NCR ang kanilang mga nahuli para sa kanilang kalayaan.

Patuloy na hinihintay ang kabuuang report ng nasabing raid sa Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter