PUMANAW na ang content creator na si Sean Lester Beltran sa edad na 21 nitong Linggo dahil sa bone cancer.
Si Beltran ay nag-viral noon dahil sa kaniyang inspirational post matapos itong ma-diagnose na kanser sa buto.
Ginamit ni Sean ang kaniyang TikTok para magbigay ng inspirasyon sa publiko hinggil sa kaniyang matinding karamdaman.
Sa post ng ina ni Sean, lubos itong nalulungkot dahil sa pagkawala ng kaniyang anak.
Dagdag pa nito, isang blessing ang buhay ng kaniyang anak at hinding-hindi aniya nito makalilimutan ang alaala ng kaniyang anak noong ito ay nabubuhay pa.
Matatandaan na taong 2021 nang malaman ni Beltran na siya ay may Stage 4 bone cancer.
