Dating Chief Justice Lucas Bersamin, nanumpa na bilang bagong Executive Secretary

Dating Chief Justice Lucas Bersamin, nanumpa na bilang bagong Executive Secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Chief Justice Lucas Bersamin bilang bagong Executive Secretary.

Kinumpirma ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong umaga ng Martes.

Saad ng kalihim, epektibo agad ang pagganap ni Bersamin ng kanyang tungkulin pagkatapos na manumpa sa gitna ng pagdalo sa ika-9 na Cabinet meeting sa Malakanyang.

Si Bersamin ang papalit sa nagbitiw sa posisyon na si Atty. Vic Rodriguez.

Matatandaang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bersamin bilang Chief Justice ng Korte Suprema, na nagsilbi mula 2018 hanggang 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter