Deportasyon ng mga Japanese fugitive, nagkataon lang sa pagbisita ni PBBM sa Japan

Deportasyon ng mga Japanese fugitive, nagkataon lang sa pagbisita ni PBBM sa Japan

NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na nagkataon lang ang pagpapadeport sa mga Japanese fugitive na sangkot sa “Luffy” case at hindi isang ‘act of goodwill’ dahil sa schedule ng official working visit nito sa bansang Japan.

“Well, it was actually in the process already before the Japan trip was even planned. Nagkataon lang na — it was just by coincidence that it happened. Of course, it cannot [inaudible] because it is a request — it was a request from the Japanese government and so we are always going to acquiesce to that request. We thought perhaps it would clear the decks as it were for the talks that we will have with the Japanese,” saad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang naging tugon ni Pangulong Marcos sa mga kumukwestiyon sa naging timing ng deportasyon ng mga Japanese fugitive na sangkot sa serye ng marahas na nakawan sa kanilang bansa o ang tinatawag na “Luffy” case.

Dagdag ni Pangulong Marcos na naging mabilis ang proseso na maibalik sa kanilang bansa ang mga Japanese fugitives dahil hindi extradition ang ginawa sa kanila kundi deportation na siya rin namang hiling ng Japanese government.

“Well, we basically follow the same criteria as a[n] extradition. Although hindi na natin ginawang extradition kasi ang request nila para mas mabilis mag-deport na lang. So that’s precisely what we did,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Nitong Martes nang unang maipadeport ang 2 sa 4 na prime suspect ng “Luffy” case na sina Toshiya Fujita at Kiyoto Imamura.

Habang nitong Miyerkyules ng gabi, Enero 8, nang ipadeport naman ang natitirang dalawa na sina Tomonobu Saito at Yuki Watanabe na itinuturong mastermind sa kaso.

Samantala ngayong araw nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida kung saan inaasahan ang paglagda ng mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ngayong araw rin inaasahang magaganap ang paghaharap ni Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta Marcos kay Emperor Naruhito at Empress Masako.

Follow SMNI NEWS in Twitter