DILG chief, kinumpirmang nakatanggap ng intel report ukol sa banta ng terorismo sa Metro Manila rally

DILG chief, kinumpirmang nakatanggap ng intel report ukol sa banta ng terorismo sa Metro Manila rally

NAGKAROON ng tensiyon sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis sa kasagsagan ng mga kilos-protesta kontra korapsiyon sa gobyerno nitong Setyembre 21.

May mga insidente ng paghagis ng mga bato. Isang container van at motorsiklo ang sinunog ng mga nagprotesta. May ilang mga raliyista ang inaresto, kabilang ang mga menor de edad.

Kaugnay dito, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakatanggap sila ng intelligence report ukol sa planong pagsabotahe ng lokal na teroristang grupo sa mga kilos-protesta sa Metro Manila, araw ng Linggo.

“Yes, that is why all contingencies were considered,” saad ni Sec. Jonvic Remulla, DILG.

Ayon kay Remulla, ang layunin ng mga lumahok sa rally ay mapayapa at malinaw na gusto lamang nilang ipahayag ang kanilang saloobin, bagay na kinikilala at pinakikinggan umano ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa niya, ang posibleng plano ay pagsabog ng bomba sa Luneta o sa People Power Monument. Ngunit dahil sa mahigpit na pagbabantay ng PNP, agad nilang na-monitor ang sitwasyon.

“Our biggest fear that did not happen was a someone who with incite violence during the People Power Monument rally, because the intent of the people there were peaceful.”

Our biggest fear was that, there were the instigation there, buti na lang sa Mendiola nangyari at mas nako-contain namin iyong situation,” dagdag ni Remulla.

Sa kabila ng seryosong banta, naging matagumpay ang mga hakbang ng Philippine National Police (PNP) upang maagapan ito. Ayon sa ulat, 400 pulis na naka-sibilyan ang ikinalat sa mga lugar upang magmasid at agad na tumugon kung kinakailangan.

“The threat of the terrorist was more of a bomb that would go off in Luneta or in the People Power Monument. But with the vigilance of our PNP to look at the situation, we had 400 policemen on the ground dressed in plain clothes to see what is going on and to assess and the vigilance paid off a little bit that transpired,” saad ni Remulla.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon batay sa mga intelligence report natanggap ng mga awtoridad. Nangako ang DILG na maglalabas ng opisyal na ulat sa mga susunod na araw,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy nilang ina-assess ang mga banta mula sa iba’t ibang grupo tulad ng mga komunistang terorista, lokal na teroristang grupo, pati na rin mga Islamic extremist groups.

Ito’y lalo na’t may mga aktibidad sa Mindanao na posibleng mag-spill over sa Metro Manila.

“Especially we have elections in Mindanao, we have the Islamic terrorist group. We have the BIFF, the DI Hassan, DI Maute and other threats like for example, our situation in the West Philippine Sea, so pinag-aaralan po natin lahat iyan, such that, there are several contingencies that we have done,” wika ni ayon kay LtGen Jose Melencio Nartatez Jr., Chief, PNP.

Binigyang-diin din niya ang mga paghahanda ng PNP bago pa man magsimula ang mga protesta, kabilang ang pagsusuri sa mga lugar, pakikipag-ugnayan sa mga komunidad kung saan nanggagaling ang mga raliyista, at mga operasyon upang pigilan ang pagdadala ng mga armas at explosive materials.

“If you are going to look at the, number one is iyong LRT natin, marami pong naka-deploy na mga police doon, especially we have coordinated with DOTr, such that mayroon iyong mayroong X-ray machines doon at nagagamit and other police operations that we have done,” ani Nartatez.

Samantala, kinondena ng Malakanyang ang paggamit ng kabataan bilang mga kasangkapan sa karahasan.

“Team Itim kung maituturing, hindi sila raliyista na may lehitimong adhikain laban sa korapsiyon kung hindi gumawa lang ng karahasan, magnakaw, manunog at manira. Hindi kayo makakalagpas sa kamay ng batas at ang mga tao sa inyong likuran na gumamit sa inyo,”pahayag ni USec. Claire Castro, PCO | Palace Press Officer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble