Ramdam na ang excitement ng mga fans para sa kanilang mga iniidolo—na siguradong bibigyang-parangal dahil sa kanilang outstanding performance at malaking ambag sa mundo ng Original Pilipino Music.
Ihahatid ng Modern Media Group Inc. ang dalawampung parangal mula sa limang major categories.
At sa mismong award show, bibigyan ng pagkakataon ang mga fans na bumuto para sa kanilang favorite song or favorite artist na sa tinging nila ay karapat-dapat para sa special category na People’s Choice Awards.
Pasok sa People’s Choice Awards ang Nations’s Boy Group SB19, BINI, Cup of Joe, G22, Flow G, December Avenue, Maki, Hey Abi, Rico Blanco, at Palagi-hitmaker na si TJ Monterde.
Sa mga kanta naman, nominado para sa People’s Choice Awards ang “Multo,” “DUNGKA,” “Marilag,” “Namumula,” “Sa Bawat Sandali,” “Blink Twice,” “Daleng-dale,” “Kalimutan Ka,” “Aura,” at “My Day.”
Samantala sa International Artist naman sa parehong katergorya ay pasok ang Global Girl group, KATSEYE, at ilan pang International acts.
