Direct Flights sa US, pinag-aagawan ng dalawang Airline sa Vietnam

Direct Flights sa US, pinag-aagawan ng dalawang Airline sa Vietnam

PINAG-AAGAWAN ng dalawang Airline sa Vietnam ang direktang flights nito patungong Estados Unidos.

Nagpapaunahan ngayon ang Vietnamese Flag Carrier ng Vietnam Airlines at ang bagong local competitor nito na Bamboo Airways sa pagkuha ng permiso mula sa ahensya ng Estados Unidos para sa direktang flights nito.

Ayon sa mga respresentante ng Vietnam Civil Aviation Authority ang dalawang airlines ay may kakayahan itong magkaroon ng direct flights patungo sa US, subalit mga piling eroplano lamang sa mga nasabing paliparan ang maaaring pumunta sa bansa.

Sa Vietnam Airlines tanging 14 Airbus A350s at 15 Boeing 787-9s ang maaaring gamitin habang sa Bamboo Airways naman ay ang tatlong Boeings 787-9s.

Samantala ang Boeing 787-9 Dreamliner at Airbus A350 XWB Aircraft ng dalawang Airline ay hindi pwede gamitin.

Nitong sabado nag-file ng permanent commercial flights ang Vietnam Airlines mula Ho Chi Minh City patungong San Francisco at inaasahang dalawang beses sa isang linggo simula Nobyembre 28 magsisimula ang flights nito.

SMNI NEWS