Mga bansa sa Latin Amerika, magtutulungan para sa paggawa ng Marine Biosphere Reserve

Mga bansa sa Latin Amerika, magtutulungan para sa paggawa ng Marine Biosphere Reserve

MAGTUTULUNGAN ang mga bansa sa Latin Amerika para sa paggawa ng Marine Biosphere Reserve.

Pinirmahan ng mga bansang Colombia, Costa Rica, Ecuador at Panama ang kasunduan ng pagpapalawig sa Eastern Tropical Pacific Marine Corridor kung saan bubuo ito ng Interconnected Marine Biosphere Reserve.

Nagkaisa ang apat na bansa sa Latin Amerika para sa paggawa ng isang Interconnected Marine Biosephere protected area.

Sa pagpirma ng bawat pangulo ng bansang Colombia, Costa Rica, Ecuador at Panama ay palalawigin nito ang Eastern Tropical Pacific Marine Corridor kung saan plano umano nitong ikonekta ang bawat natural world heritage sites ng bawat bansa.

Kabilang na ang Cocos Island National Park ng Costa Rica, Galapagos National Park and Marine Reserve ng Ecuador, Malpelo Flora and Fauna sanctuary at Gorgona National Natural Park ng Colombia, at Coiba National Park ng Panama.

Dagdag pa rito ay gagawin rin itong migratory route para sa mga sea turtles, whales, at mata rays.

Ang Eastern Tropical Pacific ang may pinakamataas na bilang ng endemic species na kung saan dito matatagpuan ang aabot sa 160 endemic at migratory endangered species.

Samantala, ang nasabing kasunduan sa pagitan ng apat na bansa ay isa sa mga paraan para maabot nito ang target na high ambition coalition for nature para maprotektahan ang nasa 30% ng yamang dagat at lupa para sa taong 2030.

SMNI NEWS