DMW, ipinasara ang isang travel consultancy firm sa Poland

DMW, ipinasara ang isang travel consultancy firm sa Poland

IPINAG-utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm sa Poland.

Ito’y dahil nag-aalok ito ng mga pekeng trabaho para sa mga truck drivers, welders, at factory workers.

May sahod pa aniya itong P35-K hanggang P124-K.

Ang tinutukoy na firm ay ang Idplumen Travel Consultancy Services na ring siyang humihingi ng charging fee ng hanggang P122-K mula sa mga aplikante.

Kasama sa ipinasara ay ang headquarters din nito sa San Fernando, Pampanga; Santiago City, Isabela; at Tabuk City, Kalinga.

Sakaling nabiktima ng iligal na recruitment ayon sa DMW, maaaring i-report ang sitwasyon sa official facebook page ng anti-illegal recruitment branch ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na facebook.com/airbranch.

Maaari ding magpadala ng email sa [email protected] o sa kanilang hotline number +632 8721 0619.

 

Follow SMNI News on Twitter