NAGSAGAWA ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng command conference sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Pinangunahan ito ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kasama si AFP Chief of Staff General Andres Centino.
Dumalo rin sa command conference ang ilan pang matataas na opisyal ng DND at AFP.
Kabilang sa kanilang tinalakay ang operasyon ng AFP, mga plano para sa modernisasyon, defense legislative agenda, partikular ang reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension scheme, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ang nasabing command conference ay isa sa mga hakbang ni Teodoro upang maging bukas ang linya ng komunikasyon sa AFP, gayundin sa iba pang kawani sa ilalim ng DND.