DOJ, binalaan ang ICC sakaling pipiliting makapasok ng Pilipinas para mag-imbestiga

DOJ, binalaan ang ICC sakaling pipiliting makapasok ng Pilipinas para mag-imbestiga

BINANTAAN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang International Criminal Court (ICC) sakaling pipilitin nilang makapasok sa bansa para mag-imbestiga.

Hindi na sasagot pa ang Pilipinas sa naging muling pagbasura ng ICC Appeals Chamber sa apela ng gobyerno sa drug war probe.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kakausapin nito si SoLGen Menardo Guevarra na isnabin na ang ICC.

Kasunod ng hindi paborableng desisyon ng Appeals Chamber, itutuloy na ng ICC Prosecutors ang imbestigasyon nito sa giyera ng bansa sa ilegal na droga noong nakaraang administration.

Pero si Sec. Remulla, binalaan ang ICC sakaling tangkain nitong pumasok ng Pilipinas para mag-imbestiga.

Muling iginiit ng kalihim na mayroon na itong ginagawang imbestigasyon na may kinalaman sa drug war at mayroon din aniya na na-convict.

Nag-aautopsiya na rin aniya sila ng mga bangkay na sinasabing biktima sa drug war.

Pero, hindi pa rin aniya sapat ang ebidensiya para dito dahil wala namang humaharap na testigo.

Giit ni Remulla, hindi sila basta-batsa magpapakulong ng mga taong wala namang sapat na dahilan para sila ay ikulong.

Binanatan naman ni Remulla ang mga tumutuligsa sa drug war na ayon sa kalihim ay kakampi ng mga makakaliwang grupo.

Ang Office of the Solicitor General dismayado kagaya ng DOJ sa kinalabasan ng kanilang apela.

Tumanggi anito ang mayorya ng Appeals Chamber na kilalanin ang soberanya ng Pilipinas at kakayahan nitong mag-imbestiga ng sabihin nilang ang desisyon ay hindi nakabatay sa hurisdiksiyon.

Sinabi naman ng Foreign Counsel ng Pilipinas na maaring kwestiyunin ng bansa ang hurisdiksiyon ng ICC sakaling magpalabas ito ng arrest order.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter