DOTr ipinag-utos ang pagpapahaba ng airport runways para tugunan ang mahal na domestic airfare

DOTr ipinag-utos ang pagpapahaba ng airport runways para tugunan ang mahal na domestic airfare

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapahaba ng lahat ng airport runways sa bansa sa 2,100 meters.

Layunin nitong mabawasan ang mataas na presyo ng domestic airfare.

Nauna nang binigyang-diin ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) na hindi lang pamasahe ang tanging bahagi ng kabuuang gastos sa mga biyahe kung bakit mahal ang domestic airfare.

Ang mga istruktural na gastusin tulad ng bayarin sa paliparan, buwis, at mga limitasyon sa imprastraktura ay may malaking epekto sa gastusin ng mga domestic flight.

Napansin ng Civil Aeronautics Board at ng ACAP na sa ilang paliparan na may maiikling runway, napipilitang gumamit ang mga airline ng turboprop aircraft na may mas kaunting upuan.

Ito na ang isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang gastos kada upuan ng eroplano kaya nagiging hamon ang pagbibigay ng sustainable at abot-kayang serbisyo sa ilang domestic routes.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble