KINILALA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Hunyo 23, 2025 ang frontliners nilang social workers.
Para ito sa kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga indibidwal at pamilyang nasa lansangan kasabay ng paggunita ng Filipino Social Workers’ Day.
Sa naturang pagkilala ay itinampok na rin ng DSWD ang ‘Pag-abot Program’ sa isang episode ng kanilang online documentary series na ‘Kwentong Angels in Red Vests’.
Ito’y upang ipakita ang gawain ng mga social worker na nasa ilalim ng programa.
Ang Pag-abot Program ay naisabatas noong Enero 18, 2024.
Layunin nito na pag-isahin at palakasin ang pagbibigay ng social protection services para sa mga mahihina at ‘disadvantaged’ na mga Pilipino sa kalye.
