INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director ng ahensiya na paigtingin ang kanilang koordinasyon sa mga local government unit (LGU) na apektado ng Bagyong Dodong.
Ito’y upang mapabilis ang pamamahagi ng family food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyo.
Ani Gatchalian, dapat maging proactive ang mga regional director at maging mabilis sa pagbibigay ng tulong sa mga evacuee sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng Bagyong Dodong ay ang Region 1, 2, at Cordillera Administrative Region (CAR).