DTI, mamamahagi ng store packages sa mga bayan ng Antique

DTI, mamamahagi ng store packages sa mga bayan ng Antique

NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 250 na sari-sari store o ang neighborhood variety store packages sa mga micro-entrepreneurs na apektado ng COVID-19 virus sa iba’t-ibang bayan ng Antique.

Ang mga benepisyaryo ay mga dating may-ari ng sari-sari store na naapektuhan ng COVID-19.

Ayon kay Arnel Oliveros, DTI Antique in-charge of the Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB), ang sari-sari store packages ay nagkakahalaga ng PhP 6,000 bawat isa.

Ipamamahagi ang nasabing packages sa mga micro-entrepreneurs sa ika-apat hanggang ika-limang klase na munisipalidad.

Ihahatid ng supplier at ng mga kawani ng DTI ang packages sa mga kinilang benepisyaryo ngayong huling linggo ng Agosto.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa bayan ng Anini-y na may 27, 19 sa Belison, 56 sa Laua-an, 34 sa Tibiao, 18 Sebaste, 62 sa Pandan at 34 sa Libertad.

Sa kabilang banda, magsusumite pa lamang ng kanilang benepisyaryo ang munisipalidad ng Barbaza, Valderrama at Tobias Fornier.

Samantala, nagbibigay din ng tulong ang DTI sa 450 sari-sari stores sa ika-apat hanggang ika-limang klase ng bayan noong nakaraang taon.

(BASAHIN: Antique, pinagaan ang travel protocol para sa mga fully vaccinated na)

SMNI NEWS