Empleyado ng COMELEC Maguindanao, pinagbabaril sa Cotabato City

Empleyado ng COMELEC Maguindanao, pinagbabaril sa Cotabato City

PATAY ang isang empleyado ng Commisson on Elections (COMELEC) Maguindanao matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ni Cotabato City Police Station 2 Chief, Captain Rustom Pastolero ang biktimang si Jonathan Pagadas Ganta na residente ng Purok Balaran, Barangay Rosary Heights 10.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naghihintay lamang sa isang waiting shed malapit sa kanyang tirahan si Ganta nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan sa ulo at katawan si Ganta at namatay habang ginagamot sa Cotabato Regional and Medical Center.

Ayon naman kay Pastolero, maaaring may personal na galit ang suspek sa biktima.

 

SMNI NEWS