Engkuwentro sa pagitan ng miltar at CTGs, namataan sa Batangas

Engkuwentro sa pagitan ng miltar at CTGs, namataan sa Batangas

ISANG engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Army 59IB, 2ID at Communist Terrorist Groups (CTGs) ang namataan nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 4, 2024 sa Sitio Punas Brgy. Balibago, Lobo, Batangas.

Batay sa impormasyon ng militar, wala namang nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan ngunit may 3 sugatan sa mga ito.

Habang isa ang patay sa panig ng mga terorista.

Narekober naman sa engkuwentro ang isang AK47 at, magazine, isang 16 rifle at magazine at dalawang IED.

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na tugisin ang mga nais sirain ang kapayapaan sa bansa.

Kasabay rito ay hinimok ng mga awtoridad ang publiko na ipagbigay-alam agad ang anumang kahina-hinalang kilos sa paligid para agad itong marespondehan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter