Epekto ng El Niño, pinaghahandaan na ng DA

Epekto ng El Niño, pinaghahandaan na ng DA

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng El Niño sa mga magsasaka sa buong bansa.

Batay sa anunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring mabuo ang El Niño sa buwan ng Hulyo, Agosto hanggang Setyembre ngayong 2023.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Deputy Spokesman Rex Estoperez, partikular nilang binabantayan ay ang anumang worst case scenario sa suplay ng bigas.

Kabilang sa ginagawang paghahanda ay ang pagbabantay sa irrigation system.

Pinapayuhan din ng DA ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na makatatagal sa tagtuyot.

May plano rin aniya ang DA na mag-angkat ng bigas sakaling magkaroon ng kasalatan sa suplay ang bansa.

Sa ngayon, inatasan na rin nito ang National Food Authority (NFA) na bumili ng palay para magkaroon ng buffer stock ang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter