EU pinagmumulta ang Temu ng 200 million euros dahil sa bentahan ng ilegal na produkto

EU pinagmumulta ang Temu ng 200 million euros dahil sa bentahan ng ilegal na produkto

Pinagmulta ng European Union ang Chinese online retailer na Temu ng 200 million euros dahil sa pagbebenta umano ng ilegal at delikadong produkto sa kanilang platform.

Ayon sa European Commission, kabilang sa mga natukoy na produkto ang mapanganib na baby toys at sirang chargers na hindi pumasa sa safety standards.

Lumabas sa imbestigasyon na maraming produkto mula sa Temu ang may electrical defects at kemikal na lagpas sa legal limit, na posibleng magdulot ng panganib sa consumers.

Inatasan din ang kompanya na magsumite ng action plan bago ang agosto 28 upang maitama ang mga paglabag.

Iginiit naman ng Temu na hindi sila sang-ayon sa desisyon at tinawag nilang “disproportionate” ang ipinataw na multa ng EU.

Follow SMNI NEWS in Twitter