FELIP magpapasiklab sa isang live showcase ngayong Mayo 30

FELIP magpapasiklab sa isang live showcase ngayong Mayo 30

Muling bibida sa spotlight ang SB19 member na si Ken, o mas kilala bilang FELIP, para sa kaniyang ‘SULFUR’ live showcase na gaganapin this May 30, 8PM, sa Shooting Gallery Studios sa Makati City.

Ayon sa official announcement, maghahatid ito ng humigit-kumulang 90 minutes curated set, tampok ang kakaibang sining, musika, at high-energy performances ni FELIP.

Isa lang ito sa maraming milestone sa solo career ni Ken na nagsimula year 2021 sa kaniyang debut single na “Palayo”, na agad namang nasundan ng kanyang successful EP na “COMPLEX” last 2023 at ng kanyang full album na “7sins” last year.

Bukod sa kaniyang solo projects, abala rin ngayon si Felip at ang buong SB19 sa paghahanda para sa kanilang international performances sa Lollapalooza 2026 sa Chicago this July at sa Summer Sonic 2026 naman sa Japan this coming August.

Follow SMNI NEWS in Twitter