Giannis Antetokounmpo, inakay ang Miami sa panalo vs. Bucks

Giannis Antetokounmpo, inakay ang Miami sa panalo vs. Bucks

Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang Miami Heat sa 137-130 panalo kontra Milwaukee Bucks matapos magtala ng 27 points, 13 rebounds at siyam na assists. Naging mahalaga ang kaniyang kontribusyon upang makuha ng Miami ang panalo laban sa dating koponan.

Nag-ambag din sina Bam Adebayo ng 26 points at Davion Mitchell ng 24 points upang suportahan ang opensa ng Heat.

Nagtayo ang Miami ng 26-point lead sa first half, ngunit muntik pang makahabol ang Milwaukee matapos umiskor ng 44 points sa 4th quarter.

Pinangunahan naman ni Kyle Kuzma ang Bucks sa 26 points, habang may 20 points si rookie Brayden Burries. Ito na ang ika-anim na sunod na panalo ng Heat at ika-11 sunod na pagkatalo ng Bucks.

Follow SMNI NEWS in Twitter