Filipino First policy ang isusulong ng Pilipinas para sa Pinoy Party-list

Filipino First policy ang isusulong ng Pilipinas para sa Pinoy Party-list

PILIPINAS para sa Pinoy Party-list (PPP) sesentro sa pagbibigay ng proteksyon sa kapwa Pilipino.

 Sa panayam ng SMNI News kay Pilipinas para sa Pinoy Party-list first nominee Mike Planas, sesentro sila sa labor, industriya, produkto at empleyado dahil anila, lahat na kapwa Pilipino ay dapat maproteksyonan.

“Kami lang ang party-list yang PPP para sa Pinoy ang nagsusulong ng Filipino response, wala sa two hundred plus na lumalahok, wala pa akong nakitang, ah nagpakita ng  pagmamahal sa bayan, ang tunay na pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa kapwa Pilipino.“

“So we have to realize this concrete through legislation. Hindi yung kabibigay lang natin yung, bigay lang ng proyekto, baba lang ng proyekto, bigay ng programa na wala namang direksyon,” pahayag ni Planas.

Ayon pa kay Planas na gustuhin man ni Sec. Silvestre Bello III na taasan na ang kanilang matatanggap, hindi ito magawa dahil walang batas na sumusuporta dito.

 Samantala, isinusulong din ng PPP ang pagmamahal sa bayan.

 Dapat aniyang simulan itong maitanim sa mga puso at isipan ng kabataan.

 

 SMNI NEWS