MULING binuksan ng City government ng San Juan ang kanilang online booking system para sa visitation appointment sa mga sementeyo bilang paghahanda sa nalalapit na undas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Francis Zamora na naging epektibo ito noong nakaraang taon ang online booking system para mapigilan ang super spreaded events.
Ayon sa local government, dalawang katao lamang ang papayagan kada booking sa San Juan City cementery.
Mula Oktubre 18 hanggang 28 at Nobyembre 3 hanggang 7, tanging ang mga may appointment lamang ang papaayagan sa loob ng sementeryo.
Bukas ang sementeryo mula 8:00am-8:00pm kung saan maximum 300 katao lamang ang papayagan kada per time slot.
Ngayong umaga, nakatakdang inspeksyonin ni Zamora ang semeteryo para matiyak ang pagsunod sa health and safety protocols at kahandaan nito na tumanggap ng bisita.
