Foreign trips ni PBBM, hindi dapat mamasamain—Atty. Roque

Foreign trips ni PBBM, hindi dapat mamasamain—Atty. Roque

HUWAG dapat mamasamain ang maraming foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. lalo na ang pagdalo nito sa coronation ni King Charles III sa Mayo 6.

Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Ani Roque, ito ay dahil marami aniyang nakahahalubilo ang Pangulo na mga potensiyal na investor sa bansa.

Samantala, inihayag din ni Roque na hindi na dapat bumuo pa ng panibagong ahensiya para mag-monitor sa foreign investment pledges.

Giit ni Roque, sapat na ang National Economic and Development Authority (NEDA) o kaya ang Board of Investments (BOI) para tutukan ito.

Bukod sa naturang mga ahensiya, maaari din naman aniyang mag-follow up sa mga pangakong investment ang mga ambassador ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Iminungkahi na rin ni Roque na mas mainam kung hindi aasa ang Pilipinas sa iisang bansa para mamuhunan dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter