IBINAHAGI ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang komento ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte hinggil sa pagkakasuspinde ng kaniyang programang “Gikan sa Masa, para sa Masa” sa SMNI.
Aniya, naniniwala ang dating pangulo na hindi siya ang tinatarget nito.
Ang delikado aniya sa hakbang na ito, sinasalakay na ang tinatawag na “Freedom of the Press”.
Dagdag pa ni Panelo, ang hakbang ay may tinatawag din na “Prior Restraint”.
Ibig sabihin, pinipigilan ang paglathala ng isang talumpati o pahayag bago pa ito mailathala ng isang utos.
