FPRRD, suportado ang pagtakbong senador ni Pastor Apollo C. Quiboloy

FPRRD, suportado ang pagtakbong senador ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SA October 25, 2024 survey ng Publicus Asia—lumalabas na matindi pa rin ang impluwensya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipino.

Base sa Pahayag survey, ang dating Pangulo ang may pinakamalaking ‘sway’ o impluwensiya sa kung sino ang mga dapat iboto sa 2025 mid-term elections.

31% ng mga kasali sa survey ang iboboto ang mga kandidatong may endorsement kay FPRRD.

At sa isang press conference sa Davao City nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 7 ay inanunsiyo ng dating Presidente ang suporta sa kaniyang matalik na kaibigan—si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa Senado.

“Oo, all through out,” pahayag ni dating Rodrigo Roa Duterte.

Matagal nang kilala ni FPRRD ang spiritual leader ng KOJC.

Kaya kung mayroon mang mas nakakakilala sa butihing Pastor ay isa na doon ang dating presidente.

“But Pastor is a reservoir. Reservoir ng… maraming alam sa buhay. Ganun na ganun si Pastor, but Pastor is a very keen observer sa buhay—very bright,” diin ni FPRRD.

Kilala ang KOJC sa zero corruption leadership—istilo ng pamamahala na dadalhin ni Pastor Apollo sa Senado.

Numero uno sa mga panukalang isusulong nito ay mga anti-corruption bill para sa magkaroon ng total transparency sa mga transaction sa gobyerno.

Nakilala naman si dating Pangulong Duterte sa anti-corruption policies ng kaniyang administrasyon.

Kaya kung ang dating Pangulo ang tatanungin kung may K bang maging senador si Pastor Apollo?

“He would be an asset to the country. And I hope that… Ngayong nag-announce na siya, I’m announcing my full support. I will campaign for him all throughout the country,” ayon pa kay Dating Pangulong Duterte.

Mga taga-suporta, inalala ang pagpapadala ng tulong ni noo’y Davao City Mayor Rody Duterte sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda

Samantala, sa ika-11 taong anibersaryo ng pagtama ng Super Bagyong Yolanda sa Pilipinas, inalala naman ng mga taga-suporta ni FPRRD ang pagpapadala ng tulong noon ng Davao City government sa mga nabiktima.

Isa ang Davao LGU sa mga unang nakapag-padala ng tulong sa mga binagyo.

Bukod kay FPRRD, isa rin sa mga naunang nagpadala ng tulong noon sa ground zero ng Yolanda si Pastor Apollo sa pamamagitan ng NGOs ng KOJC.

Mahigit sa limang libo ang nasawi, 1,700 ang nawala at higit 26,000 ang nasugatan sa isa sa mga pinakamalakas na bagyong tumama sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter