Galawan ng mga mambabatas at pahayag ni Romualdez, ‘di nagtutugma

Galawan ng mga mambabatas at pahayag ni Romualdez, ‘di nagtutugma

MUKHANG hindi nagtutugma ang galawan ng mga mambabatas sa Kamara at sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa paliwanag ni Atty. James Reserva, professor ng political & constitutional law, ito’y matapos sinabi ni Romualdez na deserved ng mga Pilipino ng full transparency kung paano ginastos ang pera ng taumbayan.

Ngunit matatandaan, hiniling ni Navotas City Rep. Toby Tiangco kamakailan sa House Committee on Appropriations na ipalabas sa publiko ang signed report ng Small Committee na gumawa ng mga pagbabago sa 2025 General Appropriations Bill.

Ang Small Committee, walang mailabas dahil 20th Congress na umano at tapos na ang 19th Congress.

Mungkahi ngayon ni Atty. Reserva, napapanahon na upang patunayan naman ng Kamara kung ano ang pinagsasabi nila hinggil sa transparency.

Samantala, iminungkahi ng abogado na magkaroon na ng independent body na mag-iimbestiga hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Maaaring tanggapin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang alok ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na ito ang manguna sa gagawing independent body.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble