Giant Christmas tree at iba’t-ibang lanterns sa San Juan City Hall Grounds, inilawan na

INILAWAN na ang giant Christmas tree at iba’t-ibang lanterns sa San Juan City Hall Grounds ngayong gabi.

Damang dama na ng mga taga San Juan City ang kapaskuhan.

Hapon pa lamang ay dinagsa na sa mga tao na nais masilayan ang giant Christmas tree lighting ceremony at ang opening ng Christmas bazaar sa San Juan City Hall Grounds.

May tatlumpung talampakan ang taas ng giant Christmas Tree at binalot ito ng 32,000 na iba’t-ibang makukulay na led lights.

SMNI NEWS