Lebron James, maaari na ulit maglaro matapos itong magnegatibo sa COVID-19

Lebron James, maaari na ulit maglaro matapos itong magnegatibo sa COVID-19

MAKABABALIK na sa basketball court si Lebron James matapos itong magnegatibo sa COVID-19.

Linawin ng National Basketball Association (NBA) na may conflict sa nailabas na COVID-19 test result ng atleta kaya hindi ito nakapaglaro sa laban ng Lakers kontra Sacramento Kings.

Aasahang maglalaro si Lebron sa laban ng Lakers kontra sa Clippers na gaganapin mamayang gabi.

Si James na ang ika-labing pitong player na isinailalim sa health and safety protocols ng NBA simula ng inumpisahan ang regular season.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.