Halos 200 ektaryang taniman ng tubo sa Negros Occ apektado ng mga peste

Halos 200 ektaryang taniman ng tubo sa Negros Occ apektado ng mga peste

APEKTADO ng mga peste ang 186.03 ektarya ng mga taniman ng tubo sa ilang bahagi ng Negros Occidental.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang La Castellana, La Carlota, Bago City, Murcia, Bacolod City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Toboso, at Sagay City.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), apektado rin dito ang kabuhayan ng 115 na magsasaka ng tubo.

Lalo na aniya at kayang bawasan ng hanggang 50% ng mga peste ang produksiyon ng asukal kung matinding infestation ang mangyayari.

Kabilang sa mga interbensiyon ang pamimigay ng pesticide assistance sa mga magsasaka.

Magsasagawa rin ng mga quarantine protocol ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Bureau of Quarantine upang maiwasan ang paglipat ng planting materials mula sa mga apektadong lugar.

Matatandaang noong Mayo 21, 2025 nang kinumpirma ng SRA ang unang kaso ng red-striped insect infestation sa Negros Occidental.

Naapektuhan nito ang anim na lugar sa hilagang bahagi ng lalawigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble