World Travel Expo aarangkada ngayong araw sa Davao City

World Travel Expo aarangkada ngayong araw sa Davao City

AARANGKADA na ngayong araw, Mayo 30, 2025 hanggang Hunyo 1 ang World Travel Expo sa Ayala Malls, Abreeza, Davao City.

Saad ni Ms. Miles Caballero, Managing Director ng World Travel Expo sa isang media forum ng MinDa, ito ay bukas sa lahat ng mga ka-wander at mahilig sa adventure sa Davao City at sa buong Mindanao.

Aniya, maraming travel-related businesses tulad ng resorts at hotels ang makikilahok sa aktibidad na ito.

Hindi lamang mga taga-Davao ang welcome dito kundi maging ang mga nagmumula sa ibang lugar sa Mindanao at sa buong mundo na may negosyo tungkol sa travel at mga mahilig sa adventure.

Ang World Travel Expo ay nagsagawa na ng siyam na event sa buong bansa at ito na ang ikatatlo sa Davao City.

Paalala ni Ms. Miles, mas mainam na magbook ng travels sa mga awtorisado at legit na mga travel agencies kaysa sa online para maiwasan ang scam.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble