BILANG isang reserve officer ng Philippine Navy at Presidente ng Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura sa Pilipinas (TSKP), ibinahagi ni Dr. Liz Villaseñor ang mga pagpapalang kaniyang tinatanggap sa buhay.
Ngayong siya ang Presidente ng TSKP, pinili nito ang bisitahin ang mga katutubong “zambal” sa loob ng Naval Education Training and Doctrine Command ng Philippine Navy sa San Antonio, Zambales bilang mga benepisyaryo sa kaniyang munting handog ngayong Pasko.
Bukod sa mga katutubong Aeta, nagbahagi rin ng kaniyang kaalaman sa military service si Villaseñor para palakasin ang loob ng mga kadete ng SBC Class 43-50 ng Philippine Navy.
Nasa 502 pares ng tsinelas ang ipinamigay nito sa mga estudyante at P10-K bilang Christmas gift.
