NILINAW ng celebrity socialite na si Heart Evangelista na para sa mga Kristiyano ang sentro ng kaniyang paboritong libro na may pamagat na “Don’t give the enemy a seat at your table”.
Ibig sabihin aniya, binibigyang halaga sa naturang libro ang pagiging malapit sa Panginoon na siyang totoong kahulugan ng “fulfillment”.
Bago ang pagpapaliwanag na ito ng fashion influencer, pinaniniwalaan ng netizens na posibleng tinutukoy ni Heart ang dati nitong glam team kung saan nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
May iba rin na nagsabing posibleng tinutukoy ng aktres si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil sa umanoy “bad blood” nilang dalawa kasunod ang isang cosmetic commercial ng beauty queen kung saan mistulang nabanggit ang pamagat ng naturang libro.
