IBINAHAGI ng Office of the Vice President (OVP) ang mga naging aktibidad ng ahensya sa mga nakaraang araw.
Higit 5,000 public transport driver sa Davao City ang nabiyayaan ng financial assistance ng OVP at Department of Social and Welfare Development (DSWD).
Ito ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD.
Isinagawa ang financial distribution sa Rizal Elementary School kung saan nakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P2,000.
Nagsagawa rin ang OVP ng rice pack distribution sa higit 5,000 jeep at taxi driver katuwang ang Davao City Transport and Traffic Management Office.
OVP, nagsagawa ng relief ops para sa mga biktima ng baha sa Davao del Norte
Samantala, nagsagawa ng relief operations ang OVP para sa mga biktima ng baha sa Davao del Norte sa pamamagitan ng Disaster Operations Center nito.
Namahagi ang OVP ng bigas at food boxes sa mga residenteng nawalan ng tirahan sa Brgy. Mesaoy at New Cortez sa New Corella.
Nakatanggap ang mga evacuee ng New Corella ng 203 food packs at 117 relief boxes.
Nabigyan din ng 28 food packs ang Kapalong, 36 food packs sa Sto. Tomas, at 190 food packs para sa mga apektadong pamilya sa Tagum City.
Matatandaan na nitong January 3 binaha ang ilang lugar sa Davao del Norte dulot ng Low Pressure Area (LPA) na winasak ang mga tirahan ng ilang residente sa Tagum City, Asuncion, Sto. Tomas, Kapalong, New Corella at Carmen.