ARESTADO ang isang lalaking suspek kasunod ng isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malolos City, Bulacan, Martes, Disyembre 10, 2024.
Nahuli si “Eric” 49 anyos na tinaguriang high-value individual ng Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Tumitimbang ito ng 100 gramo na may estimated street value na 680,000.00, kasama ring narekober ang ilang non-drug items
Kasalukuyang nasa kostudiya ng Malolos City Police Station, ang suspek na may kasong paglabag sa RA 9165 habang ang mga ebidensiya naman ay dinala sa Regional Forensic Unit 3 para sa laboratory examination nito.
