UMAKYAT pa sa 64% ang voter preference ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. base sa pinaka-huling resulta ng Laylo Research pre-election survey.
Ito ay mas mataas ng 3% sa dating resulta ng Laylo survey nitong Marso na 61%.
Magugunitang, target ng kampo ni BBM ang 70% voter preference sa mga survey.
Aabot naman sa 43% ang lamang ni BBM kay Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 21%.
Sinundan nina Vice President Leni Robredo, Isko Domagoso at Sen. Manny Pacquiao na nakakuha ng tig-5% at 2% naman ang nakuha ni Sen. Ping Lacson.
Samantala, isinagawa ang pambansang survey noong ika-14 hanggang ika-20 ng Abril na nilahukan ng 3,000 rehistradong botante.