Ilang kompanya ng langis, may big time oil price hike simula bukas

MAGPAPATUPAD ng big time oil price hike ang ilang kompanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Caltex, Petron at SeaOil, nasa P0.75 ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P1.25 naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.10 ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price hike sa gasolina at diesel ang CleanFuel, UniOil, PTT Philippines at Petro Gazz.

Pawang epektibo ang oil price adjustment, alas sais ng umaga bukas maliban sa CleanFuel na alas 4:01 ng hapon magiging epektibo at Caltex na alas 12:01 ng hating gabi.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ang ilang pang kompanya ng langis ng kanilang price adjustment.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.